OFWs puwedeng lumipad; health workers bawal

Ibinaba na sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila at karatig-lugar, habang naka-general community quarantine ang low-risk areas.

Maaari ng umalis ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa unti-unting pagpawi ng gobyerno sa quarantine restrictions para masiguro ang kabuhayan at aktibidad sa ekonomiya.

Ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolution No. 36, maaari ng umalis pa-abroad ang mga land-based o sea-based na Pinoy workers.

“They just need to submit and sign a declaration that they know the risks they would face if they report for work,” saad ni Presidential spokesman Harry Roque sa virtual press briefing.

Dagdag ni Roque, ang nasabing resolution ay hindi kasama ang mga healthcare workers upang masigurong may sapat na manpower ang bansa laban sa coronavirus.

Hindi sakop ng deployment ban ang mga health workers na mayroon ng nilagdaang kontrata hanggang Marso 8 ngayong taon.

Maaari na ring mag-operate ang recruiment at pkacement agencies sa mga lugar na modified ECQ at GCQ