OFWs may sarili nang mobile app

Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mobile application para sa kapakinabangan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ang hakbang ay ginawa ng DOLE para mapapadali ang access ng mga OFWs sa mga impormasyon at serbisyo ng gobyerno.

Ayon sa DOLE sa pamamagitan ng mobile apps ay maari nang malaman ng mga OFWs ang iba’t ibang services at features na maaaring mapakinabangan ng mga Pinoy worker sa buong mundo.

May mga balita ding mababasa sa mobile apps at mga bagong regulasyon sa trabaho.

Mayroon pang pakinabang dito ang mga OFWs katulad ng diretsong pakikipag-ugnayan sa DOLE at Philippine Overseas Labor Office kung saang bansa nagtatrabaho ang OFW.

Ang mobile app ay maaaring i-download ng libre sa Google Play Store para sa mga may Android device habang sa App Store sa mga gumagamit ng Apple device.