Nanawagan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa may 578,000 na deactivated overseas voters na magparehistro na bilang paghahanda sa 2022 election.
Ang apela ay ginawa ng DFA dahil sinimulan na ng Commission on Election (Comelec ) ang pagpaprehistro ng Overseas Absentee Voting nitong Disyembre 16, 2019.
Tatagal ang pagpaparehistro ng mga OAV hanggang Setyembre 30, 2021.
Kabilang sa mga saklaw ng OAV ay mga immigrants, seafarers at mga estudyanteng mag-aabroad.
Ayon sa DFA magsadya lamang ang mga interesadong OFW o immigrants sa anumang Philippine Embassy, Consulate General, Mission o Manila Economic at Cultural Office (MECO) at ilang Overseas Voter Registration Centers ng COMELEC sa kani-kanilang lugar.