Magpapatulad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng partial deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.
Ang hakbang ng DOLE ay kasunod ng pagpaslang sa overseas Filipino worker na si Jeanelyn Villavende.
Paliwanag ni Labor Secretary Silvestro Bello III dahil sa sinapit ni Villavende ay ipatitigil muna ng gobyerno ang deployment ng mga domestic helper na unang salta sa Kuwait.
Si Villavende ay sinasabing namatay sa kamay ng abusado nitong employer.
Gayunman ay iniimbestigahan pa ang kaso ni Villavende na ang mga labi ay nasa Kuwait pa.