OFW umiwas sa bisyo, nakaipon ng P1 million

Matapos umiwas sa bisyo ang overseas Filipino worker (OFW) na si Neil Ryan Lorenzo, ay nakaipon ito ng mahigit P1 million sa loob ng tatlong taon.

Na-inspire si Neil sa Pesosense, isang group na nagbibigay ng tips kung paano mag-ipon.

Iniwasan niya ang paninigarilyo, gumastos sa online games at nag-diet sa kanyang kinakain.

Nagtinda din siya ng isda at nagpaupa ng billiard tables para sa dagdag kita.

Matapos ang tatlo at kalahating taon ay saka niya binuksan ang kanyang alkansya at laking gulat niya na nakaipon siya ng 75,400 Saudi Riyals o mahigit P1 million.

Bumili ng bahay sa General Trias, Cavite si Neil sa kanyang naipon para sa kanyang ina at ngayon ay nagbabakasyon sa Pilipinas.

Bilang pasasalamat sa biyayang natanggap ay namahagi ng pagkain sa mga tao sa kalsada si Neil at nagpa-raffle ng mahigit P6,000 sa kanyang Facebook account.