OFW sa UAE nanalo ng P166M sa raffle draw

Naiuwi ng Pinay nurse ang jackpot prize na P166 million ng Big Ticket raffle draw sa Abu Dhabi, UAE.

Napanalunan ni Anabelle Manalastas dela Cruz, taga-Central Luzon, ang draw noong Disyembre 3, ayon sa Gulf News Report.

Ang perang napanalunan ay ipapambabayad utang ni Anabelle sa pinagawa niyang bahay dito sa Pilipinas at ang matitira ay kanyang ilalagay sa banko.

Ang Big Ticket ay ang pinakamalaking raffle draw sa Abu Dhabi.