Sa halip na wish para sa partner ay pangmatagalang trabaho ang hiniling o isinulat sa lovelock ng isang Pinoy worker sa Seoul, South Korea.
Ang nasabing lovelock ay nakaagaw pansin sa mga turistang Pinoy sa Seoul Tower.
Ganito ang makadurog pusong nakasaad sa lovelock “Sana magtagal pa ako dito sa Korea para sa aking pamilya at kakayanin ko ang lahat ng pagsubok na darating sa akin.”