OFW frontliners nakiisa laban sa discrimination ng mga Asyano

Isang video tampok ang mga Asian frontliners na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa ang humihimok sa publiko na itigil ang diskriminasyon laban sa kanila sa gitna ng coronavirus pandemic.

Sa Facebook video, ang mga Asian medical workers na naka base sa United States, Canada, the United Arab Emirates, and the United Kingdom ay nagkaisa sa iisang mensahe.

“I am not a virus.”

Halos mga Pinoy ang kalahok ng nasabing video, kasama ang ilang Malaysian, Indian, Singaporean at Chinese.

Nagsimula ang diskriminasyon sa mga Asyano nang malaman na galing sa China ang COVID-19.

Hindi nakaligtas dito maging ang mga frontliners.

Gusto lamang nilang tuldukan ang racism at discrimination na kanilang nararanasan sa kanilang pagiging Asian.

“We are your weapons against a menacing superpower that doesn’t discriminate. Humans should learn from the virus. We are more powerful when we don’t discriminate.”