Siniguro ni House Speaker Alan Peter Cayetano na ang priority bill ni Pangulong Rodrigo Duterte na Department of Overseas Filipino Workers ay papasa bago matapos ang 2019.
Sa katunayan aniya ay kumikilos na ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga ahensiyang nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW para maisakatuparan ang pagsasabatas ng Department of OFW.
Kasabay nito ay umapela si Cayetano sa mga OFW na maging maingat sa pag-aaply ng trabaho.
“…siguraduhin niyo na accredited talaga at hindi manloloko ang inyong recruiter,” giit ng House Speaker