Novo Ecijano tinanghal na ‘2019 Mister Continental International’

Hindi lang gandang Pinay kundi umeeksena na rin ang mga kalalakihan sa beauty contest sa buong mundo.

Ito ay matapos na mapagwagian ng pambato ng Pilipinas na si Dancel Jan Mendoza na tubong Nueva Ecija ang korona sa katatapos na ‘2019 Mister Continental International’ na ginanap sa Malaysia.

Hindi lang title bilang ‘ 2019 Mister Continental International’ ang napanalunan ni Dancel Jan kundi naiuwi rin nito ang mga titulo sa mga sumusunod na kategorya: Mister Photogenic, Best in Swimwear, Marcus Marcus Ambassador, at Best Model Award sa koronasyong ginanap sa Kota Kinabalu nakaraang Linggo.