Noah Centineo binigay ang number sa fans

Noah Centineo phonePara makipag-connect sa kanyang fans sa gitna ng quarantine sa coronavirus outbreak, binigay ni ‘To All The Boys I’ve Loved Before’ actor Noah Centineo ang kanyang phone number in public.

Sa kanyang Instagram video na pinost, naghahanap siya ng paraan para makipag-connect sa kanyang followers.

Binahagi niya ang kanyang phone number para makausap niya ng personal ang kanyang mga fans thru text messaging.

“I’ve been looking for a way to actually connect with you and finally found it. I’ll let you know when I’m in your city, when I get a new role, when a book I’m excited about comes out, when I can’t sleep and want to know who else is thinking about some crazy shit, When I learn something new, whenever. I’ll text you first. So hit my line +(561)-220-0860.”

Ilang netizens ang nag-post ng screenshots ng conversation nila ng actor.

Ngunit, ang ilan naman ay duda kung totoo ngang si Noah ang kanilang kausap o may iba pang humahandle ng kanyang account.

Nakatakda sanang pupunta si Noah sa Pilipinas para sa Valentine’s event ngunit naudlot ito dahil sa coronavirus outbreak.