Nilinaw ni cabinet secretary Karlo Nograles na walang inilabas na kautusan na huwag papasukin ang mga kostumer sa mga establisiyimento na walang face mask.
Ang pahayag ay ginawa ni Nograles, tagapagsalita ng Interagency Task Force (IATF) kaugnay ng mga reklamo sa consumers na hindi sila pinapasok sa mga pharmacies at supermarkets dahil hindi naka-face mask.
“Wala naman kaming inilabas na patakaran mula sa Inter-Agency Task Force na kailangan pong magsuot ng mask bago pumasok sa mga supermarket,” paglilinaw ng opisyal sa press briefing sa Laging Handa.
Aniya social distancing lang ang ipinaiiral.