Nico Bolzico nag-unboxing video parody ni Matteo

Dahil sa backlash na natanggap ni Matteo Guidicelli, gumawa si Nico Bolzico ng parody video ng unboxing style nito.

“Nothing to see here, just a short clip of Normal People Unboxing Gifts vs. @matteog (Guidicelli) Unboxing Gifts. No hard feeling Mat! #Bolzicelli,” caption ni Nico sa kanyang Instagram post.

Sa unang parte ng video, pinakita ni Nico kung paano ang ‘normal’ na tao mag unbox ng regalo.

Sa sumunod na part, nagpakilala siya bilang si Matteo at inalog ang box nang todo bago ito buksan ng bara-bara.

Nag-trending si Matteo dahil sa kanyang unang unboxing video na hindi nagustahan ng netizens.