Nicki Minaj kasal na!

Ikinasal na ang rapper-singer na si Nicki Minaj!

Si Minaj, Onika Tanya Maraj ang tunay na pangalan, 36, ang mismong nag-announce sa kanyang Instagram account ng kanyang pagpapakasal kay Kenneth “Zoo” Petty, 41.

Unang ipinaalam ni Nicki ang pakikipagrelasyon kay Petty noong December 2018.

Maraming mga fans ni Nicki ang nag-react at naglabasan ang mga negatibong artikulo tungkol kay Petty.

Hindi boto ang mga fans ni Nicki kay Petty dahil dalawang beses na itong nakulong: una ay sa attempted rape noong siya ay 16-anyos pa lamang at ikalawa ay sa kasong pagpatay sa isang lalaki noong 2002.

Nakarehistro rin ito bilang level 2 sex offender.

Bagama’t alam ni Nicki ang hindi magandang pinagdaanan ni Petty, dedma lamang ito sa anumang paalala at kritisismo.

Ipinabatid ni Nicki ang kanyang pagpapakasal sa pamamagitan ng isang video sa Instagram kung saan ipinakita ang “Mr. and Mrs.” mugs at black and white na baseball caps na may nakasulat na “Bride” and “Groom” na nilagyan nito ng caption na: “Onika Tanya Maraj-Petty 10•21•19”