News reporter live na-video bomb ng anak

Johnson Manabat DZMMIsang nakakatuwang eksena ang nangyari sa live news report sa DZMM matapos mag-hello ang anak ng reporter.

Sa video na pinost ni DJ Chacha sa kanyang Twitter, makikita ang pagre-report ni Johnson Manabat habang nasa loob ito ng bahay.

Ilang sandali pa ay lumitaw ang anak na lalaki ni Manabat at nag-hello sa camera.

Inalok naman ni news anchor Ted Failon kung gusto ba ng anak nito na bumati na tinanggihan naman ng reporter.

Aliw naman ang mga netizen sa nangyari.