Trending ang isang Chinese drama sa Pilipinas dahil sa stereotyping at paggamit sa ‘Filipino maid’ bilang insulto sa dialogue ng bida.
Sa Twitter, nagpahayag ng pagkadismaya ang user sa linya ng male lead sa first episode ng ‘Make My Heart Smile.’
“You look like a Filipino maid,” sey ng aktor sa leading lady na nagsusukat ng damit na hindi niya nagustuhan ang suot.
“As a filo, this is very offensive and disrespectful,” tweet ng netizen na may screenshot ng nasabing scene sa drama.
Naging viral ito sa mga Pinoy netizen at nagbigay ng kanilang opinyon tungkol dito.
Ayon sa iba, pambabastos ito sa mga overseas Filipino na namamasukang domestic helpers.
Nanghihingi naman ng apology ang ilan sa production staff ng Chinese darama.
Hindi ito ang unang beses na ang foreign show ay na-call out sa ‘offensive’ portrayal sa mga Pinoy domestic workers.
Noong 2008, nag-apology ang British Broadcasting Company (BBC) sa controversial episode nito sa UK comedy series Harry and Paul.