Nitong Mother’s Day, binahagi ni Neri Naig na siya at kanyang asawa na si Chito Miranda are expecting their second baby.
Sa Instagram post, sinurpresa niya ang kanyang followers with a photo on the beach, showing her baby bump.
“Happy Mother’s Day. See you soon, our bunso,” caption niya.
Binati siya ng kapwa celebrity moms gaya nina Marjorie Barretto, Andi Manzano at Camille Prats.
Inanunsiyo din ni Chito Miranda sa kanyang Instagram page na buntis ulit ang kanyang asawa.
Sa post ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar, minimick niya ang pose ni Neri at pinakita rin ang kanyang ‘bump.’
“Busog lang ako. Si Neri, magiging mommy na ulit… and again, ‘walaaaaang tulugaaaan!!!’ Pero sa totoo, excited na excited na ko hehe,” sey niya.
Ikinasal ang dalawa noong December 2014 at meron nang isang anak named Miguel.