NCT Dream magco-concert sa Manila

Darating ang NCT Dream, ang sub-unit ng K-Pop group na NCT, sa Manila para sa kanilang concert sa New Frontier Theater, Quezon City.

Inanunsiyo ito ng kilalang concert producer na Pulp, na gaganapin sa February 29, Saturday ng 3 pm.

NCT Dream Manila

“NCTzens, your dreams are about to come true! Catch @NCTsmtown_DREAM at #NCTDREAMSHOWinMANILA on 2/29 at @NewFrontierPh”

Nag-debut ang sub-unit na NCT Dream noong 2016, na hinahawakan ng SM Entertainment.

Ang miyembro sa ngayon ng grupo ay sina Renjun, Jeno, Haechan, Jaemin, Chenie at Jisung.