NCR, Calabarzon bumaba ang bilang ng mga enrollee — DepEd

Umabot sa anim na milyong estudyante ang hindi nakapag-enroll sa darating na pasukan ayon sa record ng Department of Education (DepEd).

Hanggang nitong Biyernes, Hulyo 17 ay nasa 21,344,915 estudyant pa lamang ang nakapag-enroll sa basic education program sa public at private school o katumbas ng 76% ng enrollment sa taong 2019-2020.

Sa nasabing bilang lumalabas na mula sa mga rehiyon sa Calabarzon at Metro Manila ang may malaking ibinagsak ng bilang ng enrollees.

Sa kabila nito ay umaasa pa ang DepEd na madadagdagan pa rin ang bilang na 80% ng nkaraang 27.7 million mga nag-enroll.

“We anticipate the figures to still increase in the coming weeks due to a lag in reporting of enrollment data, especially from private schools. Their enrollment period does not necessarily coincide with the enrollment period of DepEd,” ayon sa DepEd.

Lumalabas naman sa record na nasa 1,169, 976 lamang ang nag-enroll sa privare schools kumpara sa apat na milyong nakaraang school year.