National Cybersecurity binago ng Palasyo

Binago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang komposisyon National Cybersecurity Inter-Agency Committee (NCIAC).

Ang hakbang ay isinakatuparan alinsunod sa Executive Order 95 mula sa dating Executive Order 189 noong 2015 na itinatag ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ang NCIAC ay pamumunuan ng Executive Secretary at tatayong co-chairman ang mga pinuno ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Director General ng National Security Council.

Manndato ng NCIAC na bantayan ang mga banta sa paggamit ng internet, mag-assess ng posibleng banta sa cybersecurity ng bansa, mag-isyu ng updated protocols sa lahat ng kawani ng gobyerno at mapalakas ang kooperasyon ng publiko at gobyerno laban sa hacking o cyber attacks.