NASA todo suporta: Tom Cruise magsu-shooting sa outer space

Tom Cruise NASAPlano ni Tom Cruise na makarating ng outer space para mag-shooting ng isang action adventure movie.

Posible umanong matupad ang pangarap ni Tom na makapag-shooting sa outer space dahil tutulungan ito ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Sa ulat ng CNN, ainabi ng head ng NASA na nakikipag-usap na sila sa aktor para makagawa ng pelikula sa International Space Station.

Sa plano ni Cruise, mananatili ito sa space station pero hindi pa malinaw kung ilan at kung sino ang isasama ng aktor.

Ilang pelikula na ang nagawa sa space station kasama na ang 2002 IMAX documentary na mismong si Cruise ang naging narrator.

Kung matutuloy ang plano, si Cruise ang magiging kauna-unahang aktor na makakaranas ng outer space travel.