Narco-generals swak kay VP Leni

Positibo ang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Central Visayas na ang anti-illegal drugs campaign sa rehiyon at pagpupursige na masukol ang mga tinaguriang narco-generals ay higit na magiging matagumpay sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Leni Robredo.

VP Leni Robredo
VP Leni Robredo signing acceptance of appointment as co-Chairperson of Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). (IG)

Ito ay matapos na tanggapin ni Robredo ang appointment bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) at suwayin ang payo ng mga kaalyado na huwag tanggapin ang alok na posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Brig. Gen. Valeriano de Leon, regional director ng Police Regional Office (PRO-7) na ang war on drugs ng administrasyong Duterte ay nangangailangan ng pagkakaisa mula sa ibat ibang sektor ng lipunan dahil sa lala ng problema sa iligal na droga sa bansa.

“I think the appointment of VP Leni Robredo as co-chair of ICAD by the President is a welcome development… that he wants to unite everybody to join hands to once and for all eradicate the drug menace that breeds corruption,” pahayag ni de Leon.