On going na ang plano para maging love team sina Korean actor Nam Joo Hyuk at Bae Suzy sa isang bagong drama.
Sa isang report, nakatanggap ang dalawa para maging lead actors ng upcoming drama na “Sandbox.”
Ang magiging direktor ng nasabing drama ay si Oh Choong Hwan na siya ring nasa likod ng Doctors, While You Were Sleeping at Hotel del Luna.
Si Park Hye Ryun naman ang magiging screenwriter nito, na siya rin may gawa ng Dream High, I Can Hear Your Voice, Pinocchio, at While You Were Sleeping.