Nakumpiskang balikbayan box yari na!

Umabot sa 20 tonelada ng mga goods ang winasak ng Bureau of Customs (BoC) kahapon sa Trece Martires, Cavite.

Sa ipinalabas na pahayag ni Port of NAIA district collector Carmelita Talusan ang pagwasak ay bahagi ng hakbang ng BOC para mapaluwag ang storage facilities nito.

Forfieted balikbayan boxes

Ito rin ay alinsunod sa direktiba ni BoC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na linisin ang mga storage facilities sa mga inabandona o iligal na mga kargamento para maging maluwag ang kalakalan sa pantalan.

Winasak ang mga goods gamit ang thermal decomposer (pyrolysis) facility ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI).

Ginawa ang pagwasak sa pakikipag-ugnayan sa Food and Drugs Administration (FDA) Optical Media Board (OMB) National Telecommunication Commission (NTC) at the Commission on Audit (COA).