Naka-39 gold na: Philippines #1 pa rin sa day 2 ng SEA Games!

Hawak pa rin ng Pilipinas ang number 1 rank sa idinadaos na 30th Southeast Asian Games na idinaraos sa bansa hanggang sa Disyembre 11.

Sa pinakahuling official tally na inilabas ng SEA Games organiser ay nasa 39 ginto na ang nasungkit ng mga pambato ng Pilipinas sa iba’t ibang sports.

Nadagdagan ang ginto ng Pilipinas ng 16 mula sa dating 23 sa unang araw ng palaro.

Pangalawa sa ranking ay  Vietnam na may 15 ginto; Malaysia, 13 ginto; Indonesia,6 at Thailand, 6 ding ginto.