Naka-213 medals na: Pinas #1 post pa rin sa SEA Games

Hindi pa rin matinag ang host country sa 30th Southeast Asian Games.

Sa ikapitong araw ng SEA Games ay nasa number 1 puwesto pa rin ang Pilipinas na nakakolekta ng 85 ginto.

Sa kabuuan batay sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee website, nitong alas-8:00 ng gabi nitong Sabado, Disyembre 7 ay nasa 213 na ang mga medalyang nasungkit ng mga atletang Pinoy.

Maliban sa 85 gold ay naka-63 silver at 65 bronze ang bansa.

Second and Vietnam na may 152 medal; Indonesia pangatlo na may 151 medal.