Iba na ang maingat.
Ganyan ang peg ni Pangulong Rodrigo nang makipagkita kay Chinese foreign minister Wang Yi sa Malacañang.
Nag-courtesy call sa Pangulo ang Chinese official.
Nang magkita ang dalawang opisyal ay agad na nagkamayan bilang pagbati.
Pero tila naalala ng Pangulo ang banta ng COVID kaya matapos ang ilang sandali ng pagkakamayan ay inabutan ito ng alkohol para masiguro ang kaligtasan.
Matapos alkoholan ang sarili ay ang kamay naman ng Chinese foreign minister ang binuhusan sa kamay ng alkohol ng Pangulo.