Nadine Lustre todo-suporta kay Issa Pressman

Kahit nadawit sa hiwalayan nila ni James Reid si Issa Pressman, nagpakita pa rin si Nadine Lustre ng pagmamahal sa modelo.

Kasama ang litrato ni Nadine sa long post ni Yassi Pressman dahil sa pambubully ng netizens sa kanyang kapatid dahil sa alegasyong si Issa ang ugat ng hiwalayan ng JaDine.

Nadine Lustre Issa Pressman

Magkaibigan sina Nadine at Yassi at kasama sa kanilang grupo sina James at Issa.

Isang mensahe na “Love u both” na naka-tag si Issa at Yassi na kalakip ang hearts emoji ang isinulat ni Nadine sa nasabing post.

Nagbigay ito ng indikasyon na walang katotohanan ang third party issue sa JaDine breakup.