Nadine Lustre pinayuhang tumalon na lang sa building ng ABS-CBN anchor

Nadine LustreInulan ng mura ang batikang radio host ng ABS-CBN/DZMM na si Jobert Sucaldito dahil sa naging reaksyon nito sa kinakaharap na intriga ng aktres at Your Moment judge Nadine Lustre.

Sa programa sa “Showbuzz” sa DZMM ay nabanggit Sucaldito na wala silang kinalaman sa isyu kina Nadine at BF nitong si James Reid na naunang kumalat na naghiwalay na.

Sabi ni Jobert “ wala kaming alam sa lahat ng ito, wala kaming alam sa buhay ng mga idols ninyo, sila ang naggawa-gawa ng mga kuwento na ang mali namin ay pinatulan namin kaya lumaki ang kuwento at mapag-usapan.

Diba yun ang gusto nila, kunu-kuno may labas ang puwet, naka- T back pa doon sa taas ng building , tapos may nakalagay pang caption na sana gustong tumalon; sana tumalon na lang kung ganun din lang pala, tapos may mga post, Nadine nagpo-post pa ng mga picture ni James Reid.” komento ni Jobert.

Ang nasabing pahayag ni Jobert ang muling pumukaw sa mga tagahanga nina Nadine at James Reid.

Sa Twitter kahit hatinggabi na ay ramdam ang galit ng mga fans ng mag-sweetheart kaya inilabas ng mga ito ang galit sa radio anchor.