Early Valentine’s gift ni controversial social media personality Xian Gaza ang Mustang car kay Kapamilya actress Nadine Lustre.
Sa Facebook account ni Xian, pinost nito ang Mustang car na napapalibutan ng bulaklak at tinawag itong ‘Bouquet of Mustang’.
Sumikat si Xian online noong 2017 matapos niyang ayain ng date ang Kapamilya actress Erich Gonzales.
“Dear Nadine Lustre, First of all, Happy Valentine’s Week! Sana ay nagustuhan mo at nawa’y tanggapin mo ‘tong “Bouquet of Mustang” na regalo ko para sayo,” caption niya sa kanyang post.
“Maybe iisipin ng madlang people that this Ford Mustang is too much, na parang binibili kita at yung pagkababae mo. Nope! It’s just that my financial capacity at the moment is a little bit good and I believe that you deserve to be the first ever person in the Philippines to receive a ‘Bouquet of Mustang’ as a Valentines gift because that’s how high I value you as a woman,” paglilinaw ni Xian.
Gusto lamang niya maging kaibigan si Nadine.