Nagkausap na si Nadine at ang kanyang ama na si Ulysses sa post nito noong October 9, 2019 tungkol sa pagpapasaring diumano nito kay Kathryn Bernardo, na natukoy ng fans.
Kasabay ng pag-post ng ama ni Nadine ay dineklarang highest-grossing film of all time ang “Hello, Love, Goodbye” na tinampukan nina Kathryn at Alden Richards.
Sa naturang post, saad ng ama ni Nadine, “I’m Flop and you’re High Gross, what are you afraid of.
You feel so threatened, you’re desperate to break US apart.
I hope someday you get what you deserve.
What comes around, goes around.” Madami namang netizen na fans ni Kathryn ang nag-backlash sa ama ni Nadine.
Sa interview ni Boy Abunda sa programang “Tonight With Boy Abunda” (TWBA), nataon na nag-social media detox si Nadine kaya isang linggo pa bago niya nalaman ang kontrobersyal na post ng ama.
Kaagad naman humingi ng paumahin si Nadine sa post ng kanyang ama. “Kung sino man yung na-offend niya or nasaktan niya with what he said, ako, humihingi na po ako ng paumanhin,” saad ng aktres.