Nadine Lustre nag-post ng picture ng ex

Trending ang JaDine sa birthday ni James Reid matapos mag-post ang ex ng aktor na si Nadine Lustre ng kanilang picture sa Instagram.

Ang picture nilang dalawa ng pinost ng aktres ay may caption lamang na seedling emoji.

Nadine Lustre James Reid

Nagtrending ang hashtag #James27REIDyYears at Nadine sa 1st and 2nd spot sa Philippine trends.

Nag-break ang dalawa noong January 20 at piniling mag-focus muna sa kanilang personal growth.