Nadine Lustre, Jane de Leon nagsalita sa ABS-CBN francise

Nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN sina actress Jane de Leon at Nadine Lustre tungkol sa nabigong franchise renewal.

“Masakit po sa akin ang nangyari sa ABS-CBN dahil pangalawang tahanan ko na rin po ito na syang nagbigay sa akin ng mga opportunities to gradually reach my goal in life, na unti-unting nagpabago sa buhay ko at ng aking pamilya. And I will forever be thankful sa ABS-CBN and its Management,” sey ni Jane.

Ngunit idiin ni Jane na ang pagsuporta ay hindi lamang nasusukat sa pagra-rally.

“Alam kong para sa nakakarami sa atin, masakit ang closure ng ABS-CBN. Nakiki-isa at nakikisimpatya rin po ako sa mga kapwa ko Kapamilya na nawalan ng kabuhayan. However, let us not forget that in the bigger picture, we are still at risk because we all have an invisible enemy to deal with.”

Nagbigay naman ng opinion si Nadine sa kanyang Instagram stories. “Gaya ninyo, Kapamilya din ako. Gaya ninyo, natatakot ako sa mga nangyayari. Gaya ninyo, nalungkot din ako para sa 11,000+ na taong nawalan ng trabaho. Gaya ninyo, umiiyak ako para sa sariling bansa. Dahil gaya ninyo, Pilipino din ako.”

“Sana ay ibaling natin ang atensiyon natin sa mga bagay na nararapat pagtuunan ng pansin. Pakiusap, huwag tayong magaway away at maghati. Wala na tayong oras,” sey ng singer-actress.