Bumukod na si Nadine Lustre sa Viva Artist Agency.
Kaugnay nito, naglabas ng statement ang Kapunan and Castillo Law Offices sa pag-alis ni Nadine sa Viva.
Nag-anunsiyo naman ang Viva na mananatiling exclusive artist nila si Nadine, taliwas sa sinabi ng kabilang kampo.
Ani ng agency, anumang deal o professional engagement ang pasukin ni Nadine na walang abiso ng Viva ay maaaring breach of contract.
Pumirma si Nadine sa record label ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid na Careless Music Manila.