Nadine, James todo bonding sa Brazil

Nadine James Brazil photoshootMatapos ang napabalitang breakup ni Nadine Lustre at James Reid, nag-post ang dalawa ng kanilang bonding moments sa Brazil.

Una nang umakyat ng Mt. Ulap ang dalawa kasama ang kanilang mga kaibigan matapos pumutok ang isyu ng kanilang hiwalayan.

Makikita ang ngiting tagumpay habang magkaakbay nina Nadine at James sa Christ The Redeemer, Rio de Janeiro sa Instagram stories ng una.

Nag-post din sa Instagram story si James ng picture ni Nadine sa photoshoot nito para sa isang magazine.

Una nang nagpatama si James sa mga sumisira sa kanila sa Instagram kasama ang litrato nila ni Nadine sa Mt. Ulap.