Nadine, James nakasama ang Girls Generation

Nakasama ni Nadine Lustre at James Reid si Kim Hyoyeon ng Girls’ Generation.

Sa Instagram post ni Kim nitong Linggo, kasama nito si Nadine at James nang magkaroon siya ng DJ set sa Manila.

Nadine Lustre Kim Hyoyeon Girls Generation

Nagkaroon ng set si DJ Hyo nitong Sabado sa House Manila, Resorts World Manila.

Nagpasalamat din ito sa fans na nagbigay sa kanya ng suporta.

“Maraming salamat po sa inyo. It was great time. Thanks guys!,” caption niya sa kanyang post.