Nadine, James nag-pasta kasama ang mga kaibigan

Patunay na nanatiling magkaibigan sina James Reid at Nadine Lustre matapos ang kanilang breakup.

Ilang linggo matapos nilang ianunsiyo ang kanilang hiwalayan, nakita magkasama ang dalawa kasama ang kanilang mga kaibigan.

Nadine Lustre James Reid pasta night

Sa post ng kapatid ni James na si Lauren Reid, magkasama ang dalawa ngunit nakaupo sa magkaibang bahagi ng sofa.

‘Pasta night,’ caption ni Lauren sa kanyang post sa Instagram.

Bago ang ‘pasta night’, una nang nakita ang dalawa na magkasama sa isang bar sa Makati.