Nakaladkad na sa kontrobersiya ng ex-live in partner ng aktor na si Jomari Yllana ang talent manager na si Lolit Solis.
Diumano’y tila pinapanigan si Jomari ng talent manager dahil maging ito ay kumukuwestiyon kung bakit Inabot mahigit P100K ang electric bill nito.
Kaya naman sa Instagram post ng ex partner ni Jomari na si Joy ay pinulutan si Solis.
Inakusahan itong natapalan na umano ng pera. Sumabat sa usapan ang ex-live-in partner ng aktor at sinabing “nauna pa siya nabayaran kesa kuryente.”
Sa nasabi ring post ni Joy ay inuurot itong ireklamo na kay Tulfo ang aktor dahil sa pagiging iresponsable sa dalawang anak kay Joy.
Nag-ugat ang away ng dalawa nang ilantad ni Joy ang pagiging iresponsable ni Jomari sa dalawang anak na nasa kaawa-awang kalagayan matapos na maputulan ng kuryente.