‘Naabadonang alagang unggoy at kuting sa lindol, viral sa social media

Viral sa social media ang unggoy na niyayakap ang isang kuting sa matapos ang nangyaring lindol sa Cotabato.

Walang iwanan para sa unggoy at pusang naabandona dahil sa lindol sa lugar na tinaguriang Ground Zero#BuenaVidaMAKILALA

Posted by Ma Ester Marin Catorce on Monday, 4 November 2019

Ang unggoy na nagngangalang “Moymoy” ay makikita sa video na niyayakap ang kuting sa kasagsagan ng nagbagsakang bahay dahil sa lindol.

Wala nang nagmamay-ari sa kuting dahil lumikas na ang mga ito dahil sa sakuna.

Nanawagan naman ang mga netizen na magpaabot din ng tulong sa mga hayop na biktima ng lindol.