Mythbusters’ host Grant Imahara patay sa aneurysm

Kilala bilang host ng Discovery’s science show na ‘MythBusters,’ pumanaw na si Grant Imahara, ayon sa report.

Ang sanhi ng kanyang pagkamatay ay brain aneurysm.

“We are heartbroken to hear this sad news about Grant. He was an important part of our Discovery family and a really wonderful man. Our thoughts and prayers go out to his family,” ayon sa statement ng Discovery.

Naging host din si Imahara ng Netflix show “White Rabbit Project” for one season.

Pumanaw ang host sa edad na 49.