Ang actress-cosplayer na si Myrtle Sarrosa ay official Kapuso na matapos itong pumirma ng exclusive contract sa GMA-7 nitong Biyernes.
Binahagi ni Myrtle na nag-audition siya sa isang role sa GMA Artist Center noong Nobyembre at natuwa nang makatanggap ng acceptance call.
Dream role ni Myrtle ang mapabilang sa fantaserye ng GMA at gusto niya ring makatrabaho ang Asia’s Multimedia Star Alden Richards.