MyMetroManila Foodie up nasa Google

MyMetroManila AppPuwedeng-puwede nang maglakwatsa ng solo flight ang mga turista sa Metro Manila para maghanap ng makakainan at mapapasyalan.

Ito ay dahil sa inilunsad na ‘MyMetroManila’ foodie app ng Department of Tourism (DoT).

“This is a gamechanger because in the past you need a brochure to go around, but if you are still planning to come here in Manila, you can already download the app and plan your trip and everything’s right at your fingertip,” paliwanag ni DOT-NCR Director Woodrow Maquiling sa ginanap na tatlong araw na Metro Yummy Picks sa Glorietta Makati.

Ito ayon kay Maquiling ang kauna-unahang mobile application na inilunsad ng DOT na ang layon ay i-promote ang bawat rehiyon.

Sa pamamagitan ng nasabing foodie app ay matutunton ng bawat turista kung saan matatagpuan ang masasarap na kainan sa Metro Manila at patok na mga pagkain katulad ng Inutak ng Taguig City, rice pudding na may nakaibabaw na ube ; Kalderetang Itik ng Pateros, popular na Chinese-style honey-cured ham saMandaluyong City at marami pang iba.

Inilunsad ang foodie app para dagdagan ng mga turista ang araw ng pananatili sa Metro Manila na kadalasan ay nananatili lamang ng halos isang araw dahil sa maraming mapapasyalang kainan at mga lugar dahil sa ginawang partnership sa Philippine Tour Operators Association, Inc. (PHILTOA).

“I’ve talked to the president of PHILTOA and they said they’re gonna curate a tour that will already include the places mentioned. That’s the goal that all of these enterprises and individuals across will be included,” ayon pa sa opisyal ng DOT.