My BF does my make-up challenge bet

Kathryn Bernardo vlogIto ang content ng Kathryn Bernardo vlog.

Sumabak na rin sa pagba-vlog ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Kaya naman sobrang saya ng milyun-milyong fans ni Kathryn sa pagkakaroon nito ng sariling vlog.

Ang vlog ng aktres ay agad na nag-trending #KathrynBernardo2020 at nanghihikayat sa netizens na mag-subscribe sa YouTube Channel ni Kathryn na “Everyday Kath”.

Hiningan din ng ideya ni Kathryn sa pamamagitan ng Twitter account nitong Kathryn Bernardo official ang kanyang mga fans patungkol sa lalamanin ng kanyang vlog.

Karamihan sa suhestiyong content ng vlog ay ang pagbabahagi nito ng kanyang skin care secret at pinakamarami ang nagsa-suggest na mag-challenge ito ng ‘’my BF does my make-up.”