Multo pinaroronda sa Malaysia laban sa COVID-19

Gumagala ang isang multo sa komunidad ng Malaysia para masigurong hindi lalabas ang mga sa coronavirus lockdown.

Si Muhammad Urabil Alias ay nagbihis multo, naka-white robe at mask, at regular na nagpapatrol sa gabi.

Sa kanyang pag-iikot sa Kemaman, Malaysia, may mga bata na nagtatakbuhan pauwi dahil sa nanakakita ito ng ‘multo’ na naglalakad sa daan.

Ang nasabing komunidad ay nananiniwala sa pamahiin kaya naman naisip nila ang ganitong paraan ng pagbabantay sa gabi.

Pinasalamatan si Urabil ng mga kapulisan sa kanyang pagsisikap na makatulong sa lugar.