Kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa Bicol na coronavirus ang ikinamatay ni Mulatto frontman Joey Bautista.
Sa statement na inilabas, nasa Legazpi si Bautista nitong Marso 11, walong araw bagong ito namatay dahil sa COVID-19.
Nakumpirma lamang ito noong Marso 20, isang araw matapos itong mamatay.
Sa ngayon ay tini-trace na ang umattend sa isang private party na dinaluhan ni Bautista.
Under quarantine na sa loob ng 21 araw ang asawa nito.