Mukha ni Isko, Batang Maynila disensyo sa Vans shoes

Nagpasalamat si Manila Mayor Isko Moreno sa isang artist na kinilalang si Nikko Pelaez dahil sa pagdisenyo ng sapatos na Vans gamit ang ‘Batang Maynila.’

Inilabas ang disenyo nitong Oktubre 25, isang araw pagkatapos ng kaarawan ng alkalde.

Batang Maynila by VANs
Ang mga dinisenyong sapatos na Vans gamit ang slogan na ‘Batang Maynila’ na ginawa ni

May limang disenyo ng ‘Batang Maynila’ at mukha ni Yorme ang mga sapatos.

Inilunsad ang disenyo ng artist katuwang ang Vans Philippines.

Bagama’t isinapubliko ang disenyo ay hindi pa umano ito mabibili sa merkado.

Ganito ang mensahe ng pasasalamat ni Mayor Isko sa artist na si Nikko Pelaez.

“Thank you for this po, Vans Shoes and Nikko Pelaez Artworks! “