Most expensive french fries, nagkakahalaga ng P10K

Paborito mo bang snack ang french fries?

Sa Manhattan’s Upper East Side, nagkakahalaga ng $200 o mahigit P10,000 ang per plate ng french fries.

Sa Serendipity 3 restaurant, kung saan hinahain ang pinakamahal na fries, matatagpuan din ang pinakamahal na burger ($295) at ice cream sundae ($1000) sa buong mundo.

Ang Crème de la Crème Pomme Frites ay gawa sa Chipperbec potatoes na ini-blanch sa vinegar at champagne at sana prinito dalawang beses sa pure goose fat.

Mayroon ding edible gold, seasoned with truffle salt and truffle oil ang nasabing fries with an orchid, thin-sliced truffles, and a Mornay cheese dip.

Ang sauce ay meron ding truffles, isang rare seasonal mushroom.

Katulad ng ilang restaurants ay nasarado ang Serendipity noong COVID-19 pandemic, at para ianunsiyo ang kanilang pagbabalik ay gumawa sila ng mahal na fries.

Kung gusto mong makakain ng Guinness World Record-fries ay kailangan mong mag-antay ng walong hanggang sampung linggo para dito.