Morissette humingi ng paumahin sa pagwa-walkout

Humingi ng paumanhin ang kampo ni Morissette Amon sa nangyaring pagwa-walkout nito sa concert ni Kiel Alo sa Music Museum noong Miyerkoles ng gabi.

Special guest si Morissette sa concert ng bagitong concert na si Kiel, na alaga ni Jobert Sucaldito.

Sa kalagitnaan ng concert ay lumabas ang manager ni Amon para ianunsiyo na hindi ito makakapag-perform.

“I would like to apologize on her behalf, but there is a medical emergency that we have to attend to. I am so sorry.”

Bago ang nasabing insidente, na-interview pa ni Mario Dumaual ng TV Patrol sina Amon at Alo.

Tinanong umano ni Dumaual kung kumusta na ang relasyon ni Amon sa kanyang ama, at sinabi nito na hindi matitiis ng ama ang kanyang anak, na siya umanong dinamdam ni Amon.