Matapos ang recent opinyon ng dalawang Pinoy directors na sina Erik Matti at Joey Reyes, lumitaw ulit ang post ni actor Mon Confiado tungkol sa Korean film industry noong 2018.
Ang nasabing post ay tungkol sa kagandahan ng Korean Entertainment Industry at kung bakit maulad ito.
Isa sa binigyan-diin ng nasabing post ay pagbibigay ng suporta ng gobyerno ng Korea sa kanilang entertainment industry.
Ito ay kanyang obserbasyon nang mag-shoot sila para sa 2018 movie na ‘The Golden Holiday.’
Mayroon ding self-administered body na tinatawag na Korean Film Council (KOFIC) na responsable na i-promote at suportahan ang film industry on national at international levels.
Kailangan din ang creativity at mayroong tradition at culture ng bansa ang gagawing pelikula o drama.
Dagdag pa ni Mon, mayroong movie courses, well-paid staff at strict enforcement ng tax na pangarap niya para industriya ng Pilipinas.