Momoland nalagasan ng miyembro

Ayon sa MLD Entertainment, ang agency na nangangalaga sa Momoland, dalawa sa miyembro ng girl group ang mamamaalam na at magiging six-membered team na lang ito.

Sa official statement, sinabi ng MLD Entertainment na hindi kasama si Yeonwoo at Taeha sa Momoland.

YeonWoo & Taeha

Nakipag-usap ang dalawang miyembro sa agency at napagkasunduan na humiwalay na sa grupo.

Terminated na ang kontratani Taeha na magkakaroon ng bagong simula sa career at bagong agency, habang si Yeonwoo naman ay mananatili pa rin sa MLD Entertainment ngunit magiging full time actress na.

Nangangamba din ang fans ng Momoland sa miyembero nito na si Daisy na maaaring umalis na rin dahil sa kontrobersyal na social media post ng kanyang ina tungkol sa kalagayan nito.

Ang Momoland ay Korean girl group na nagpasikat ng kantang “Boom Boom” at “Baam.”